Mga lokal na opisyal sa Oriental Mindoro, suportado ang kandidatura ni Moreno

By Chona Yu April 01, 2022 - 04:46 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Nasungkit ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang suporta at endorsement ng local officials ng Oriental Mindoro.

Ito ay matapos ang dalawang araw na pangangampanya ni Moreno sa Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga naghayag ng suporta kay Moreno si dating Roxas town vice mayor Cesar Batico.

Si Batico ay dating tumakbo sa ilalim ng Liberal Party noong 2019 pero natalo.

“Ngayon po ang hinihiling ko sa inyo, mahal nyo ba si Isko Moreno? Tandan po ninyo ang sasabihin ko, tandaan nyo po ng mabuti. Ang kanya pong mga kasama ay andidito, kilala po ninyo. Kung kayo po ay boboto ay pilitin ninyo na itong grupo ay inyo pong masuportahan at ito po ang aking bilin. At tandaan nyo, kung mahal ninyo si Isko Moreno hindi na kayo boboto ng kabila or iba pang mga kalaban,” pahayag ni Baticos.

“Hindi kayo papayag na ipagpalit si Mayor Isko sa ibang kandidato. Kaya ang aking pakiusap tandaan po ninyo ang mga taong andirito babalik sila sa bayan ng Roxas upang tayo ay suklian. Alam ko marami sa inyo ang nagugutom, alam kong marami sa inyo ang nauuhaw, ngunit sa inyong pagpunta rito ay hindi mababayaran. Ngunit pag nanalo si Isko Moreno at ang kanyang grupo, ang lahat ng iyan ay kanilang masusuklian,” pahayag ni Baticos

Pinasalamatan naman ni Moreno si Baticos.

“Una, nagpapasalamat ako sa Diyos, pangalawa sa kanila. This is our second time here in Mindoro and we’re gonna do both sides of Mindoro, today (Thursday) and tomorrow (Friday). Two days tayo rito. Motorcade, townhall, courtesy call and meet and greet, and some meetings with local officials on the side,” pahayag ni Moreno.

“May awa ang Diyos, tuluy-tuloy lang. As we have promised, we will continue to go to you. Kami ang pupunta sa inyo, sa inyong eskinita, tapat ng bahay, kalsada, highway and so on and so forth. And I’m happy to be with Doc Willie today, Carl Balita, Samira Gutoc, Jopet Sison and John Castriciones. So, salamat sa Diyos, nagpapasalamat ako sa mga taga-Mindoro sa mainit nilang pagtanggap,” dagdag ni Moreno.

TAGS: InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.