Pangulong Duterte, Chinese Pres. Xi magpupulong sa April 8
Dalawang buwan bago bumaba sa puwesto, may nakatakdang pulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Abril 8.
Ito ang ibinunyag ng Pangulo sa talumpati sa Lapu-lapu City, Cebu.
Ayon sa Pangulo, si Xi ang may gustong makausap siya.
Tinawag pa ng Pangulo si Xi na kanyang kaibigan.
Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung personal siyang magtutungo sa China para makausap si Xi o sa pamamagitan lamang ng teleconference.
Hindi rin tinukoy ng Pangulo kung anong paksa ang kanilang pag-uusapan ni Xi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.