Pangulong Duterte, wala pa ring iniendorsong kandidato sa pagka-pangulo

By Chona Yu April 01, 2022 - 08:23 AM

PCOO photo

Wala pang inendorso ng kandidato sa pagka-pangulo sa eleksyon sa Mayo 9 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na ilang linggo na lamang bago ang eleksyon.

Sa talumpati ng Pangulo sa National and Regional Task Forces to End the Local Armed Conflict sa Lapu-lapu City, Cebu sinabi nitong nananatili siyang neutral.

Ayon sa Pangulo, wala pa siyang napupusuan sa mga kandidato.

Una rito, kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go na nagkaroon ng pagpupulong kamakailan sina Pangulong Duterte at presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr.

Pormal na ring inendorso ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Duterte ang kandidatura ni Marcos.

TAGS: #VotePH, 2022election, 2022polls, InquirerNews, OurVoteOurFuture, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022election, 2022polls, InquirerNews, OurVoteOurFuture, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.