Anak ng senior citizen na sinasabing namatay sa pila ng vote buying sa QC, nagsalita na sa tunay na medical condition ng ina

By Chona Yu March 31, 2022 - 02:26 PM

Contributed photo

Kinumpirma ni Geraldine Deguangco na matagal nang dumadaing ng pananakit ng dibdib ang kanyang ina na si Ginang Emelita Deguangco.

Si Ginang Emelita ang senior citizen na namatay habang naghihintay sa pagproseso ng aplikasyon para sa scholarship ng kanyang apo sa headquarters ni Ginang Rose Nono Lin sa Novaliches, Quezon City

Sinabi pa ni Geraldine na sa katunayan ay may iniinom na gamot sa sakit sa puso ang kanyang ina.

Nilinaw naman ni Geraldine na wala siyang sinisisi sa nangyari at marahil ay oras na raw talaga ng kanyang ina at nataon lang na inabutan habang nasa event.

Personal namang nakiramay si Ms. Lin sa pamilya at nag-abot ito ng tulong, pati scholarship ng mga apo ng namatay na senior citizen, at maging si Geraldine ay mabibigyan din ng scholarship para sa senior high school.

Contributed photo

Si Ms. Lin ay matagal nang namimigay ng scholarship sa mga estudyanye sa District 5 sa Quezon City, na walang kakayahan na tustusan ang pag-aaral.

Una na ring pinabulaanan ng kampo ni Lin na namamahagi sila ng pera o vote buying kaya nagtungo sa kanilang headquarters ang senior citizen kung saan ito hinimatay habang naghihintay.

TAGS: Emelita Deguangco, Geraldine Deguangco, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Rose Nono-Lin, Emelita Deguangco, Geraldine Deguangco, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Rose Nono-Lin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.