Ping Lacson: Citizen’s arrest uubra laban sa agri smuggling

By Jan Escosio March 30, 2022 - 11:32 AM

Photo credit: Sen. Ping Lacson/Facebook

Makakatulong ang bawat mamamayang Filipino sa kampaniya kontra mga puslit na produktong agrikultural sa pamamagitan ng ‘citizen’s arrest.’

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at aniya, sa pamamagitan ng citizen’s arrest ay maaring hulihin ng mamamayan ang mga nagbebenta ng mga smuggled na gulay at iba pang produktong pang-agrikultura.

“Kung obvious na smuggled, huwag na tayo magturuan kasi may citizens arrest. Pwedeng kumpiskahin ng maski sino, humingi ng assistance from law enforcement to do so,” ani Lacson sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa isyu.

Binanggit ng independent presidential candidate na ginamit niya ang citizen’s arrest para sugpuin ang mga sangkot sa carnapping at illegal drugs trade nang pamunuan niya ang PNP noong 1999 hanggang 2001.

Dagdag pa ni Lacson sa istratehiyang ito, mababawasan ang pagkalat pa ng mga puslit na gulay sa mga pamilihan.

Kasabay nito, hinamon ng senador ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na humanap ng ibang paraan para masugpo na ang agricultural smuggling.

TAGS: agri smuggling, citizen’s arrest, InquirerNews, ping lacson, RadyoInquirerNews, agri smuggling, citizen’s arrest, InquirerNews, ping lacson, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.