MRT-3, nakapagserbisyo sa 281,507 na pasahero

By Angellic Jordan March 29, 2022 - 02:57 PM

Naserbisyuhan ang 281,507 na pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Lunes, March 28.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bunsod ito ng ipinatupad na libreng sakay sa tren at pagpapatakbo ng 18 na 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.

Sa tulong nito, nasa 18 hanggang 21 ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line

Pinataas na rin ang passenger capacity sa bawat tren na kaya nang makapagpasakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at 394 na pasahero kada train car.

Tatagal ang libreng sakay sa mga pasahero hanggang April 30, 2022.

Siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na mahigpit na ipinatutupad ang minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

TAGS: DOTr MRT3, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, RadyoInquirerNews, DOTr MRT3, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.