25,000 residente ng QC, nabigyan ng pinansyal na ayuda ni Mayor Belmonte
Aabot sa mahigit 25,000 na residente ng Quezon City ang nabigyan ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng Pangkabuhayan programm
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng Pangkabuhayan program na maayudahan ang mga residente na naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.
Sa ilalim ng pangkabuhayan program, binigyan ng livelihood training at capital assistance ang mga residente para makapagpatayo ng maliit na negosyo.
Kabilang sa mga nakinabang sa programa ang mga empleyado na nawalan ng trabaho, mga negosyante na nasa micro at small business, vendors, persons with disabilities, mga nawalang trabaho na overseas Filipino workers, mga walang trabahong solo parents at indigent na resident eng lungsod.
“Pangkabuhayang QC is one of our flagship programs for economic recovery. This program has helped not just the individual beneficiaries but also their families because as they build their micro and small businesses, they can provide for their family members,” pahayag ni Belmonte.
Nasa P10,000 hanggang P20,000 na ayuda ang natanggap ng mga benepisyaryo ng Pangkabuhayan program.
“We are proud to share that this will continue to be the city government’s permanent program as the city council has approved and signed a city ordinance institutionalizing this initiative. This will no longer just support those affected by pandemic, but more so all eligible aspiring entrepreneurs”, pahayag ni Mona Celine Yap, head ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.