Pilipinas, nakapagtala ng 2,726 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan March 28, 2022 - 04:19 PM

Nakapagtala ng 2,726 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang March 28, 2022, base ito sa naitalang datos simula March 21 hanggang 27.

Mas mababa ito ng 24 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong March 14 hanggang March 20.

Nasa 389 naman ang daily average cases.

Samantala, walang bagong severe and critical cases habang 752 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.7 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,613 sa 27,547 non-ICU beds ang gamit.

15.1 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 484 sa 3,204 ICU beds ang gamit.

Nasa 758 naman ang severe and critical admissions, o 11.9 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.