Pangulong Duterte, wala pang ini-endorsong kandidatong pangulo

By Chona Yu March 25, 2022 - 01:49 PM

PCOO photo

Wala pang ini-endorsong kandidatong pangulo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para sa eleksyon sa Mayo 9.

Ito ay kahit na nagkaroon na ng pagpupulong sina Pangulong Duterte at presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Marso 20.

Ayon kay acting deputy presidential spokesman Kris Ablan, bagamat nagkaroon na ng pagpupulong ang dalawa, hindi nangangahulugan na inindorso na ng Pangulo si Marcos.

Sa ngayon aniya, hindi pa nagsasalita ang Pangulo kung sino sa mga kandidato ang kanyang i-endorso.

Una nang sinabi ni Senador Bong Go na naging mabunga ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Marcos.

Ayon kay Go, binigyan ng payo ni Pangulong Duterte si Marcos kung paano pamunuan ang bansa.

 

 

TAGS: BBM, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Kris Ablan, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, BBM, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Kris Ablan, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.