P500 kada buwan na ayuda hindi pa rin sapat – Sen. Grace Poe
Nadagdagan ngunit kapos pa rin para sa mahihirap na pamilyang Filipino ang P500 kada buwan na ayuda.
Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe at aniya kung susuriin ay bumaba pa ang halaga.
Punto ni Poe ang unang inanunsiyong P200 ayuda ay para sa isang taon kayat may kabuuan na P2,400, samantalang ang P500 ay para lamang sa tatlong buwan kayat aabot lang sa P1,500.
Ito aniya ay mangangahulugan ng P16.67 kada araw, na mababa pa sa kabuuang pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo.
“Masyadong maliit na hindi pa makakabili kahit isang kilo ng bigas para sa isang pamilya,” aniya.
At kung magpapatuloy pa ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine na magpapataas pa ng presyo ng mga pangunahing bilihin, diin ni Poe, mas malaking parusa para sa mga mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.