854 kandidato sa May 9 elections, walang kalaban – Comelec

By Chona Yu March 24, 2022 - 08:26 PM

Nasa 845 na kandidato sa eleksyon sa Mayo 9 ang walang kalaban.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nasa 18,023 na puwesto ang pag-aagawan ng mga pulitiko.

Sinabi pa ni Garcia na nasa 253 ang congressional seats, kung saan 39 ang walang kalaban.

Nasa 81 ang provincial governor seats, kung saan siyam ang walang kalaban habang 11 ang uncontested.

Nasa 782 seats naman ang Sangguniang Panlalawigan, kung saan 45 ang uncontested.

Nasa 1,634 seats naman ang para sa mayor at vice mayor, kung saan 203 ang uncontested sa pagka-mayor at 254 sa vice mayor.

Nasa 13,558 na puwesto naman ang para sa mga Councilors, kung saan 284 ang uncontested.

Magsisimula ang eleksyon sa lokal na posisyon sa Biyernes, Marso 25.

Paalala ni Garcia sa mga kandidato at sa publiko, mag-ingat at sumunod sa health protocols para hindi maging super spreader sa COVID-19.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.