Higit P703 milyong fuel subsidy, naipamahagi na ng LTFRB

By Angellic Jordan March 22, 2022 - 05:19 PM

Umabot na sa 108,164 ang bilang ng nabigyan ng fuel subsidy sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Nakatanggap ang bawat benepisaryo ng halagang P6,500 bawat unit.

Sinimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng nasabing fuel subsidy noong Marso 15, 2022.

Inihayag ng operators at drivers na malaking tulong ang fuel subsidy dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

Inaasahan anilang magkakaroon pa ng susunod na subsidiya ang pamahalaan.

Tuloy naman ang pagproseso ng LTFRB ng fuel subsidy sa iba pang mga benepisaryo.

Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa LandBank of the Philippines (LBP) para mas mapabilis ang implementasyon ng buong programa.

TAGS: DOTrPH, FuelSubsidy, InquirerNews, ltfrb, RadyoInquirerNews, DOTrPH, FuelSubsidy, InquirerNews, ltfrb, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.