P200 na buwanang ayuda, pinadagdagan ni Pangulong Duterte, ginawang P500
Hindi kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa P200 buwanang ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Filipino na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Utos ng Pangulo, sa halip na P200, pinadadagdagan niya ito at ginawang P500 kada buwan.
Hindi kasi aniya ang P200 para sa isang pamilya na mayroon tatlo hanggang limang miyembro.
Ayon sa Pangulo, bahala na ang susunod na pangulo ng bansa na maghagilap ng pondo para ipang-ayuda.
Pakiusap ng Pangulo sa mga makatatanggap ng ayuda, huwag sanang gamitin sa e-sabong.
“So sabi ko kay Sonny, “It will be an uphill battle for the next generation kung gawain natin na 500.” Sabi ko sa kanya, “Bahala na ang presidente niyan saan siya magnakaw t*** i** basta ibigay natin ‘yung ano 500. So I hope that this would go a long way really to help. Huwag lang sayangin sa e-sabong,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.