Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 471.06 milyon na
Lagpas 281,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 471,069,142 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos na may 81,410,101 cases.
Sumunod ang India na may 43,008,543 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,630,484 naman ang kaso sa Brazil habang 24,137,160 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 20,093,762
– Germany – 18,683,287
– Russia – 17,582,692
– Turkey – 14,693,917
– Italy – 13,861,743
– Spain – 11,324,637
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,101,013 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 407,091,743 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.