Higit 1.8-M katao, nabakunahan sa ikaapat na ‘Bayanihan, Bakunahan’
Umabot na sa 1.8 milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan” program ng pamahalaan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Doctor Kezia Lorraine Rosario, co-lead ng National Vaccination Operations Center, naabot na ng pamahalaan ang target.
Nakamit ito dahil pinalawig pa ang “Bayanihan, Bakunahan.”
Sinabi pa ni Rosario na pinalawig din ang pagbabakuna sa senior citizens.
Nagsimula ang ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan” noong Marso 10.
Naging mabunga aniya ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 12 hanggang 17-anyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.