Pagkawala ng mga sabungero, hindi dapat isisi sa operators – Duterte

By Chona Yu March 18, 2022 - 02:14 PM

PCOO photo

Nakahanap ng kakampi ang operators ng online sabong saa gitna ng pagkawala ng mahigit 30 sabungero.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong Leyte provincial capitol sa Palo, Leyte sinabi nito na ang mga ‘evil men’ o ang mga masasamang tao ang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Depensa ng Pangulo, walang kinalaman ang mga operator sa pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi pa ng Pangulo na nasa P640 milyon ang nakokolekta ng pamahalaan dahil sa online sabong.

“It’s not the fault of the management who are doing it fairly. It’s the fault of the evil men doing something wrong and they end up fighting. The culture among cockfighting enthusiasts and syndicates is different. Nagkabukuhan lang sila. The problem is they killed everyone. Thirty-eight? Thirty-six? Because they’re involved in the betting. They did it in different provinces so that it wouldn’t seem obvious, but they placed their bets on favorites and underdogs, depending on their agreement,” pahayag ng Pangulo.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya sususpendihin ang online sabong dahil bilyong piso ang mawawala sa kaban ng bayan.

TAGS: Esabong, InquirerNews, OnlineSabong, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, Esabong, InquirerNews, OnlineSabong, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.