Duterte hindi kagaya kay Putin na mga sibilyan ang pinapatay
Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kagaya ni Russian President Vladimir Putin na pumapatay ng mga sibilyan.
Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong Leyte Provincial Capitol sa Palo, Leyte, sinabi nito na tanging ang mga kriminal lamang na sangkot sa anti-drug war campaign lamang ang kanyang pinapatay.
Nagpapatuloy ang giyera ngayon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
“Ah si Putin pinapatay pati civilian doon. Ako, sino man pinatay ko? Pinatay ko puro kriminal. Bakit ko pinatay? Sa droga. Bakit pala kung droga? Eh p***** i** sisirain mo ang bayan ko. That’s the problem. You — lahat ng anak natin kung makita and the things that they do horrible. Asawa putla’g ulo, ang anak i-rape unya patyon unya taguan lang sa imburnal. Siya ra diay ga-rape, diha sa Manila. (Behead his wife, rape his daughter and hide their bodies in the sewers. It was found that the husband was the one who did the crimes. It’s a case in Manila.) Kita mo ‘yung the — ang resulta,” pahayag ng Pangulo.
Kasabay nito, nanindigan ang Pangulo na hindi siya haharap sa International Criminal Court dahil mga kriminal na sangkot sa anti-drug war campaign lamang ang kanyang pinapatay.
“Tapos itong human rights pati ICC, International Court of… P***** i**, bakit ako mag-international court? Hindi man ako international, local lang nga ako eh. International-international. Unya mutuo pud diay ko ninyo? maayo’g bali. (Why, do you think I believe you? Hmm, it would have been better if it were the other way around),” pahayag ng Pangulo.
Sa pinakahuling talaan ng pamahalaan, nasa 6,000 katao na ang napatay sa anti-drug war campaign.
Karamihan sa mga napatay ay mga ordinaryong drug suspect at ilang high profile personalities.
Sabi ng pangulo, kung makukulong man siya, sa Muntinlupa na lamang.
Nahaharap si Pangulong Duterte sa kasong crimes against humanity sa ICC dahil nauwi na umano sa human rights violation ang kanyang anti drug war campaign.
Pero ayon sa Pangulo, para sa kinabukasan ng mga kabataan ang kampanya kontra ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.