11 empleyado sa Kalibo Airport, sinibak ng CAAP

By Chona Yu May 18, 2016 - 11:29 AM

Sinibak sa trabaho ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang labing isang personnel na nakatalaga sa Kalibo International Airport.

Ito ay sina terminal fee inspectors Daniva Acosta at Shane Alejandro; terminal fee collectors na sina Shiela Oirada, Cherry Peralta, Jojean Conanan, Precious Fernandez, Gerry Revister, Maria Briones, Andy Mel Jones Concepcion, at Jovert Alejandro at Flight Data Encoder na si Shamar Glenn Mabasa.

Paliwanag ni CAAP director general William Hotchkiss ito ay dahil sa pagkakasangkot ng labing isang personnel sa modus operandi ng pagre-recycle ng terminal fee ticket.

Nagkakalaga ang terminal fee ng P200 para sa domestic flight at P750 naman para sa international travel.

Ayon kay Hotchkiss, inatasan na niya si deputy brigadier general Rodante Joya, head ng CAAP security and intelligence service na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang modus operandi na maaring ilang taon nang ginagawa sa Kalibo International Airport.

Sinabi pa ni Hotchkiss na sinuspindi na muna ng CAAP ang isang regular employee na sangkot sa naturang modus habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

TAGS: 11 Kalibo Airport personnel sacked terminal fee receipts anomaly, 11 Kalibo Airport personnel sacked terminal fee receipts anomaly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.