Sen. Angara: Low interest loans sa SBCorp puwedeng pampasigla ng industriya ng turismo
Nanawagan si Senator Sonny Angara sa Department of Tourism (DOT) at Small Business Corp. na gamitin ang hindi nagamit na pondo sa Bayanihan 2 para tulungan na makabangon ng tuluyan ang industriya ng turismo.
Sinabi ni Angara, ang nag-sponsor ng Bayanihan 2, may sapat na pondo ang isinantabi para ipangtulong sa industriya ng turismo,na kabilang sa pinakaapektado simula ng pandemya.
Ayon pa sa senador, kabuuang P4 bilyon ang inalaan sa bayanihan 2 para sa probisyon ng low-interest loans sa sektor ng turismo.
Sa huling pahayag ng SBCorp, P278 milyon pa lamang ang napautang sa sektor hanggang noong Pebrer 28 at may P524 milyon pa ang ‘under process.’
“A lot of the tourism industry players were hesitant to avail of loans and this was understandable because many did not want to resume operations while quarantine classifications were constantly changing,” aniya.
Naniniwala si Angara na makakatulong ng malaki ang pondo para sa pagsisimula o pagpapasigla ng mga naapektuhang negosyo na may kaugnayan sa turismo lalo na ngayon na nagbukas na muli ang bansa sa mga banyagang turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.