Sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC), nagsagawa ng Unity Walk sa Luneta Park para sa nalalapit na halalan.
Kasama sa ‘Unity Walk, Interfaith Rally, Peace Covenant’ at paglulunsad ng Kasimbayan ang Manila Police District (MPD) at iba pang election stakeholders.
Sinabi naman ni MPD Dir. Leo Francisco kapag nagsimula na ang pangangampaniya ng mga lokal na kandidato sa Marso 25 ay mas maraming pulis ang kanilang ipapakalat.
Magpapatuloy din ang pagsasagawa nila ng Comelec checkpoints sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Nabanggit din ni Francisco na hanggang ngayon ay walang maitituring na ‘election hotspots’ sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.