60 baril nakumpiska sa Maynila simula Day 1 ng Comelec gun ban
Higit 60 baril at mga ilegal na armas ang nakumpiska ng Manila Police District simula nang ipatupad ang Comelec gun ban noong Enero 10.
Sinabi ni MPD Dir. Leo Francisco nakumpiska ang mga armas sa mga checkpoints.
Sinampahan na rin aniya ng mga kinauukulang kaso ang mga inarestong gun ban violators.
Nabanggit din nito nang magsimula ang election period ay wala pang naitatalang karahasan na may kaugnayan sa pulitika.
Samantala, nasabi din ni Francisco na pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan ng PNP na igsian ang duty hours ng mga pulis upang mas maging epektibo ang mga ito sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
Aniya gagawin na lamang na walong oras ang duty ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.