P1,000 daily minimum wage sa Metro Manila itinutulak ni Tito Sotto

By Jan Escosio March 16, 2022 - 08:48 PM

Halos doble sa kasalukuyang daily minimum wage ang dapat na ibigay sa mga empleado sa pribadong sektor, ayon kay vice presidential aspirant Vicente Sotto III.

Katuwiran ni Sotto, P1,000 ang dapat na arawan na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila upang sila ay maka-agapay sa taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“It if were up to mem in these trying times, dapat ang minimum wage  should be P1,000,” sabi nito sa pangangampaniya nila ng kanyang katambal na si Ping Lacson sa Cagayan.

Inihayag ito ni Sotto matapos maghain ang Trade Union Congress of the Phils. (TUCP) sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board ng P470 umento sa suweldo ng mga nagta-trabaho sa Metro Manila.

Nabatid na noon pang Oktubre 30, 2018 huling tumaas ang sahod ng mga empleado sa Metro Manila.

Sinabi naman ni Lacson, ang regional wage boards ang makakapagdesisyon sa umento dahil sila ang may hawak ng mga datos ukol sa ‘cost of living’ sa bawat rehiyon.

“Hindi natin dapat tingnan in terms of real wages. Tingnan natin ang living wage kasi doon nagma-matter kung sino ang nangangailangan at sino ang hindi,” sabi pa ng standard-bearer ng Partido Reporma.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.