Tinawagan na ni US President Barack Obama si Davao City Mayor at presumptive President Rodrigo Duterte.
Ayon sa isang opisyal sa US, tumawag si Obama upang batiin ang pangunguna ni Duterte at halatang pagkapanalo na nito sa presidential race.
Una nang nagpahayag ng kahandaan ang State Department ng US, sa pamamagitan ni spokeswoman Elizabeth Trudeau, na makipatulungan kay Duterte bilang sunod na pangulo ng Pilipinas.
Bukod sa US, binati na rin ng China at ng European Union si Duterte bagaman hindi pa opisyal na naipo-proklama ang kaniyang pagka-panalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.