17 ambulansiya para sa Metro Manila LGUs ibinigay ng Pitmaster Foundation sa MMDA

By Jan Escosio March 16, 2022 - 01:07 PM

Tinupad ng Pitmaster Foundation ang pangako na magbibigay ng 17 ambulansiya para sa mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila.

Sinabi ni Atty. Caroline Cruz, executive director ng Pitmaster Foundation, ang mga ambulansiya ay base sa ‘specifications’ na ibinigay ng Department of Health (DOH).

Sa turn-over ceremony ng mga ambulansiya sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ibinahagi ni Cruz na sa kabuuan ay 160 ambulansiya na ang kanilang naipamahagi sa ibat-ibang LGUs at medical facilities sa buong bansa.

Kasama na dito ang tig-isang ambulansiya ang 81 lalawigan sa bansa.

Aniya ito ay bahagi ng kanilang pangako na makipagtulungan sa gobyerno at mga lokal na pamahalaan upang mapagbuti ang pagbibigay serbisyong-pangkalusugan.

“Why we started with ambulance? The lack of nearby hospitals, and the rigidities of our healthcare system, was shown during the pandemic. One of the gaps we identified is the lack of access to nearby hospitals for many in remote rural locations and for the urban poor. Ambulance helps close that gap, by transporting the sick to hospitals that may be able to accommodate them,” dagdag pa ni Cruz.

Nabanggit niya ito ang utos ni Chairman Charlie ‘Atong’ Ang na ibigay nang ibigay kung ano ang makakatulong sa mamamayan, lalo na kung makakasagip ng mga buhay at mapapangalagaan ang kalusugan.

Sinabi pa ni Cruz na halos P1 bilyong halaga na ng ibat-ibang uri ng tulong ang kanilang naibigay sa loob ng 16 buwan, kasama na ang 50,000 dialysis patients.

Nakapamahagi na rin ang Pitmaster Foundation ng P50 milyong halaga ng rapid antigen test kits, P50 milyong cash, 10 milyong masks, 11,000 COVID 19 doses at P20 milyong tulong sa mga ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.