Finance Department ayaw sa pagsuspindi sa fuel excise taxes

By Chona Yu March 16, 2022 - 11:10 AM

Hindi pabor ang Department of Finance (DOF) na suspindihin ang ipinapatong na excise taxes sa mga produktong-petrolyo.

 

Paliwanag ni Sec. Carlos Dominguez III ang koleksyon sa fuel excise taxes ay nakalaan sa Build, Build, Build Program ng administrasyon base sa 2022 General Appropriations Act.

 

Dito rin aniya hinuhugot ang suweldo ng mga pulis, sundalo at guro.

 

Suhestiyon ng kalihim dagdagan na lamang ang ayuda na ibinibigay sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

 

Buwanang P200 ayuda ang suhestiyon ni Dominguez sa 12 milyong pamilyang Filipino, na binubuo ng 70 milyong indibiduwal.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.