Ilan pang mga magiging bahagi ng Duterte admin, kinilala

By Kathleen Betina Aenlle May 18, 2016 - 04:41 AM

 

Mula sa inquirer.net

Matapos ang halos buong araw na pagtanggap ng bisita at pakikipag-pulong noong Lunes, nakapagtalaga na si presumptive President Rodrigo Duterte ng ilang mga pupuno sa mga posisyon sa kaniyang magiging gabinete.

Inanunsyo ni Duterte na itatalaga niya bilang agriculture secretary si dating North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol na nanungkulan sa lalawigan sa loob ng 12 taon.

Para naman sa posisyong peace adviser, itinalaga niya ang beteranong negosyador na si Jesus Dureza, na naging presidential adviser on the peace process at Mindanao Economic Development Council chair sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Naging chairman na rin si Dureza ng government peace negotiating panel sa peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa loob ng dalawang taon, at dalawang terminong nanilbihang kongresista ng Davao City.

Si 1BAP Rep. Silverstre Bello naman ang magiging chief negotiatior sa mga nakatakdang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Una nang naging chairman ng Philippine peace panel si Bello sa negosasyon sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa ilalim ng administrasyong Arroyo, at naging presidential adviser for new government centers rin bago maitalagang Cabinet secretary noong 2008.

Dalawang beses na ring nag-lingkod bilang justice secretary si Bello, una noong July 1991 hanggang June 1992 at February 1998 hanggang June 1998.

Itatalaga naman ni Duterte si dating immigration chief Andrea Domingo sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Nagsilbi si Domingo sa Bureau of Immigration at naging general manager rin ng Philippine Reclamation Authority noong Arroyo administration, bukod sa pagiging kongresista sa Pampanga noong 1992 hanggang 1995.

Samantala, kinumpirma naman na ni Las Piñas Rep. Mark Villar ang pagtanggap niya sa alok ni Duterte na maging public works secretary.

Ayon sa kaniyang ina na si Sen. Cynthia Villar, naniniwala siyang nais ni

Duterte ng isang taong walang bahid ng katiwalian kaya napili nito ang kanilang anak ni real estate tycoon Manny Villar bilang bahagi ng magiging gabinete nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.