Nakahanda na ang Metro Manila mayors na ibaba sa Alert Level O ang kalakhang Maynila.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID- 19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Metro Manila Development Authority deputy chairperson Frisco San Juan Jr. na nagkasundo ang Metro Manila mayors na irekomenda sa Inter-Agency Task Force on Infections Diseases na ibaba ang alert level.
“Nag-usap-usap po ang mga mayors sa council at nagbigay po ng assessment kung ano ang mga ninanais o kung ano ang kanilang sentimiyento kung saka-sakaling magkaroon ng alert level. At karamihan po ay nagsasabi na nakahanda na po sila sapagka’t patuloy naman ang pagbaba ng numero ng mga kaso nitong mga huling linggo na nakaraan. Kaya po sabi nila, nakahanda sila at pagsasagawa ng mga karampatang solusyon kung saka-sakaling magkaroon ng pagtaas muli ng number of cases,” pahayag ni San Juan.
Umiiral ang Alert Level 1 sa Metro Manila hanggang ngayong araw, Marso 15.
Binigyang diin ni San Juan na kahit na ibaba ang alert level, dapat na manatili pa rin ang pagsusuot ng face mask.
Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan ang pagkalat ng virus.
“Sa MMDA, ang nais po namin na kung maaari ay gawin pa ring … suot pa rin mga taumbayan, except doon sa mga masisikip po na lugar para lang po makasiguro tayo na hindi na po tataas pang muli ang bilang ng mga insidente ng pagkakaroon ng sakit,” pahayag ni San Juan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.