BBM dadalhin ng Bulacan-Vice Governor Alvarado

By Chona Yu March 15, 2022 - 08:06 AM
Kumpiyansa si Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na mananalo sa kanilang lalawigan si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ni Alvarado na base sa kanyang paglilibot, lalo na sa malalayong lugar sa Bulacan, ay na kay Bongbong Marcos ang tiwala ng mga tao. Kasama ni Marcos ang kanyang running mate na si Inday Sara Duterte at ang Senatorial slate ng UniTeam sa campaign rally sa Guiguinto, Bulacan. “Unang-una inaapi nila. Ayaw na ayaw po ng mga tao ang nang-aapi. We’ve only starting lalo na sa lokal, sa March 25 pa po ‘yan. If you will base it during the last election [2016 national elections] nanalo po si Marcos dito sa Lalawigan ng Bulaca,” pagbibigay diin ni Alvarado. Noong 2016 vice-presidential race, nakakuha si Marcos ng 42.50%  o  556,480 na boto sa lalawigan at lamang kay Leni Robredo ng 190,401 votes. Ang lalawigan ng Bulacan ang ika-lima sa vote-rich province sa nalalapit na 2022 elections na may 2.007,523 registered voters.

TAGS: BBM, Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Marcos, news, Radyo Inquirer, BBM, Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Marcos, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.