INC, humingi ng pang-unawa sa trapik na naidulot ng kanilang programa

By Kathleen Betina Aenlle May 18, 2016 - 04:24 AM

 

Commonwealth Avenue / Inquirer Photo Edwin Bacasmas
Commonwealth Avenue / Inquirer Photo Edwin Bacasmas

Humingi ng pang-unawa ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa mga pasahero at motoristang naabala ang byahe dahil sa isinagawa nilang medical at dental mission sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa ngalan naman ng INC, sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Edwil Zabala na sila ay nagpapasalamat sa pang-unawa ng mga naapektuhan ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa Commonwealth.

Nakaranas ng matinding trapik ang mga motorista sa may bahagi ng Sandiganbayan at Litex Road dahil ilang bahagi ng Commonwealth Avenue ang isinara dahil sa event ng Iglesia.

Ayon pa kay Zabala, isinagawa nila ang kanilang programang “Lingap sa Mamamayan” sa lugar na iyon dahil malapit ito sa mga mamamayang nais nilang paghandugan ng tulong at serbisyo.

Dakong alas-10 naman ng gabi ng Martes ay bumalik na sa ayos ang daloy ng trapiko sa Commonwealth kaya maluwag na rin ang biyahe ng mga pasahero at motorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.