Balik sa realidad ang buhay matapos ang halalan noong May 9.
Ganito rin ang pagtrato ng isang mag-asawang pulitiko na nanalo sa eleksyon noong isang linggo sa isang lalawigan na malapit lang sa Metro Manila.
Noong panahon ng kampanya ay handa silang magbigay ng tulong sa lahat ng mga nangangailangan pero dahil tapos na ang eleksyon kaya sarado na ulit ang malaking gate ng kanilang mansion.
Hindi na sila umuuwi sa kanilang magarang tahanan dahil balik sila sa kanilang malaking bahay sa Quezon City.
Ito raw kasi ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa mga taong nanghihingi sa kanila ng balato makaraan silang kapwa manalo sa halalan.
Hindi nila masisisi ang kanilang constituents dahil sa simula pa lamang ng pagdedeklara ng kanilang kandidatura ay nagpaulan na sila ng pera sa kanilang mga kababayan.
Ngayong Mayor na si Sir at mambabatas naman si Madam ay balik din sa tunay na kulay ang kanilang pagkatao….ang pagiging isnabera’t isnabero.
Noong Sabado sa kanilang victory party ay off-limit ang publiko.
Pati yung mga well-wishers basta’t hindi kasama sa listahan ay hindi pinayagang makapasok sa venue.
Masama ang loob ng ilang sa kanilang mga lider noong eleksyon dahil ang pakiramdam daw nila ay sadyang binayaran lang sila para sa kanilang serbisyo gayung taos naman daw sa puso ang ginawa nilang pagsuporta sa mag-asawang pulitiko.
Lumabas din ang tunay nilang kulay na ang tingin nila sa mga taga-suporta ay pawang mga bayaran lamang.
Ngayon pa lang ay matunog na rin ang mga balita na ang susunod na target ng bagong halal na mayor ay ang pagka-gobernador ng kanilang lalawigan.
Hindi daw problema kundi man sikat siya kilala sa buong lalawigan dahil gagamit daw sila ng tried and tested formula…..Pera!
Di na kailangan ang clue dahil bago pa man ang pulitika mas unang naging sikat ang kanilang negosyo na takbuhan ng mga taong nangangailangan at gipit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.