PDP-Laban senatorial aspirants, suportado ang NTF-ELCAC

By Jan Escosio March 14, 2022 - 01:59 PM

Tiniyak nina PDP – Laban senatorial aspirants Salvador Panelo at Astra Pimentel na kapag nahalal ay isusulong nila ang karagdagang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).

Sinabi ng dating presidential legal counsel na nasaksihan niya ang mga magandang pagbabago sa mga liblib na barangay matapos mapalaya sa kamay ng New People’s Army.

Ito aniya ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Baragay Development Program.

“Sa pag-iikot ko sa bansa, nakita ko na humina ang hawak ng CPP – NPA – NDF sa mga lugar na nabigyan ng mga programa ng NTF – ELCAC,” ayon kay Panelo.

Ayon naman kay Pimentel, ang wakas ng CPP-NPA-NDF ay bahagi ng 11-point agenda ng kanilang partido.

“With all my heart and all my mind, I will support the NTF-ELCAC,” sabi pa nito.

TAGS: AstraPimentel, InquirerNews, NTFELCAC, PDPLaban, RadyoInquirerNews, SalvadorPanelo, AstraPimentel, InquirerNews, NTFELCAC, PDPLaban, RadyoInquirerNews, SalvadorPanelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.