Aabot sa 170,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Central Visayas ang nasayang at itinapon na lamang.
Ayon sa Visayas Vaccination Operations Center, nag-expire ang mga bakuna dahil hindi nakapag-bakuna ang mga health workers bunsod ng nagdaang Bagyong Odette.
Paliwanag ni Doctor Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng VVOC, karamihan sa mga bakuna na ibinigay sa Visayas ay malapit na ang expiration date.
Hindi aniya nagamit ang mga bakuna naging abala sa pagtugon sa bagyo.
Ilang araw din aniyang nawalan ng kuryente ang rehiyon ng Visayas dahil sa bagyo.
Ayon kay Loreche, minimal lang naman ang bilang ng mga bakuna na nasayang at hindi napakinabangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.