‘Buy now, pay later’ plan puwede na sa GCash

By Jan Escosio March 11, 2022 - 11:37 PM

Photo credit: GCash/Facebook

PARA maging abot-kaya sa mga Filipino ang pagbili ng kanilang mga pangangailangan, mayroon nang “Buy Now, Pay Later” o hulugan sa GCash.

 

Sa pamamagitan ng GCash feature na GGives, puwede nang magbayad ng hulugan para sa pagbili ng mga pangangailangan nang hindi mabigat sa bulsa at ayon sa budget.

 

Nabatid na hanggang P30,000 ang maaring magamit sa GGives at ito ay maaring hulugan ng dalawang beses sa isang buwan sa loob nbg isang taon.

 

“Ang GGives ay tugon ng GCash sa pangangailangan ng mga Pinoy.  Marami pa rin sa atin ang gusto ng installment o hulugan para mayroon tayong freedom na i-maximize ang ating pinaghirapang pera,” ayon kay GCash President at CEO Martha Sazon.

 

Bukod sa GGives, mayroon din GLoan sa GCash ng hanggang P25,000 na maaring magamit sa emergency, biyahe, negosyo at babayaran ng siyam hanggang 12 buwan.

 

“Sa GGives at GLoan, may access na ang lahat sa ligtas at mahusay na serbisyong pautang na nagbibigay ng patas at malinaw na interest rates.  Makakatulong ito sa mga kababayan natin sa pagharap nila sa iba’t ibang hamong pang-pinansiyal,” dagdag pa ni Sazon.

 

Maliban sa GGives at GLoan, marami ring iba’t-ibang serbisyo ang GCash app gaya ng GSave, isang online savings bank, GInvest para sa mga gustong mag-invest, GInsure para sa medical insurance, at G-Life para sa e-commerce.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.