Pagtanggal ng face mask sa Alert Level 0, delikado pa rin – Legarda
Iginiit ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na masusing pag-aralan ng health experts at pandemic managers ng gobyerno ang posibleng pagtanggal ng pagpapatupad ng face mask sa ilalim ng Alert Level 0.
Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng naging anunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panibagong guidelines sakaling isailalim sa Alert Level 0 ang buong bansa.
Aniya, nangangahulugan ito na aalisin na ang lahat ng basic health protocols sa bansa, na posibleng maging mapanganib pa sa mga Filipino.
Sinabi ng three term senator na huwag madaliin ang pagbaba sa Alert Level 0 ng buong bansa dahil maaari pa ring magkaroon ng hawaan sa COVID-19.
Paalala nito, maigi pa ring sundin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, palagiang paggamit ng alcohol at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.