Pangulong Duterte umaktong tagapagsalita muli ng China sa Recto Bank exploration

By Jan Escosio March 11, 2022 - 09:38 AM

Senator Leila De Lima asks questions to former death squad member Edgar Matobato during a senate hearing in Manila on September 15, 2016.
Rodrigo Duterte shot dead a justice department employee and ordered the murder of opponents, a former death squad member told parliament September 15, in explosive allegations against the Philippine president. / AFP / NOEL CELIS (Photo credit should read NOEL CELIS/AFP/Getty Images)

Pinuna ni reelectionist Senator Leila de Lima ang pag-akto muli ni Pangulong Duterte na tagapagsalita ng China sa pahayag na respetuhin ng mga Filipino ang Recto Bank exploration agreement deal para maiwasan ang anumang sigalot.

Sinabi ng senadora na ang tanging paraan para pumasok sa exploration deal ay igalang ng China ang karapatan ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone sa ilalim ng UNCLOS.

“Now that Duterte has lifted the moratorium on oil and natural gas exploration in Recto Bank, he returns as a spokesperson to China to communicate their threat if we do not push through with a joint exploration with them,” sabi pa ni de Lima.

Noong Marso 7, hiniling ni Pangulong Duterte na matuloy na ang joint development ng Pilipinas at China sa Recto Bank.

Katuwiran ng Punong Ehekutibo, hindi pa handa ang Pilipinas na maging kaaway ang China.

Magugunita na Nobyembre, 2018 nang pumirma sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ng memorandum of understanding para sa joint maritime oil and gas exploration.

Tumanggi naman si Pangulong Duterte na isapubliko ang nilalaman ng kasunduan at giit ni de Lima hindi maaring irespeto ang kasunduan ng hindi nakakatiyak na alinsunod ito sa Saligang Batas.

TAGS: China, leila de lima, news, Radyo Inquirer, Recto Bank, Rodrigo Duterte, China, leila de lima, news, Radyo Inquirer, Recto Bank, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.