2,500 kahon ng COVID-19 drug na Bexovid, dumating sa Maynila
Dumating na ang kahun-kahong Bexovid sa Lungsod ng Maynila, araw ng Huwebes (March 10).
Ayon sa Manila Public Information Office, dumating ang 2,500 kahon ng COVID-19 medicinal drug na ilalaan para sa mild hanggang moderate COVID-19 cases sa mga may edad 12 taong gulang pataas.
Bahagi ito ng biniling 5,000 kahpon ng naturang medical drug ng Manila City government.
Magagamit ang 2,500 kahon ng Bexovid sa 500 pasyente.
Mayroong 90 porsyentong efficacy ang Bexovid upang maiwasan ang hospitalization at pagkasawi sa high risk patients.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.