SP Sotto: May kapangyarihan ang PAGCOR na suspindihin ang e-sabong
Ipinaliwanag ni Senate President Vicente Sotto III na may kapangyrihan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na suspindihin ang operasyon ng online sabong sa bansa.
Sinabi niya na maaring gumawa ng hakbang ang PAGCOR sa kanilang mga nabigyan ng permit o lisensiya kung ang mga ito ay iniimbestigahan at kung may mga paglabag sa batas.
“Atleast suspend the operation o e-sabong since the recent hearings have already exposed its vulnerability to addiction and criminality. Our government should protect our values and people rather than just the profit it might generate,” pagpupunto ni Sotto.
Aniya pansamantalang suspensyon lang naman ang nilalaman ng resolusyon ng Senado habang iniimbestigahan pa ang pagkawala ng 34 sabungero simula noong nakaraang taon.
“Ako ay nalulungkot na ang Pagcor ay dinala pa sa Presidente ang usapin. So ano ang rekomendasyon nila? Base sa batas, puwedeng manggaling lang sa Pagcor ang desisyon kasi suspensyon lang naman,” sabi pa ng vice presidential aspirant.
Aniya dahil ipinarating pa nila sa Malakanyang ang isyu, nangangahulugan na ayaw ng Pagcor na mahinto ang operasyon ng online sabong sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.