Isko Moreno kumilos na ukol sa P203-B utang sa buwis ng pamilya-Marcos

By Chona Yu March 10, 2022 - 12:10 PM

Nakipag-ugnayan na si Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno Domagoso sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) ukol sa sinasabing P203 bilyong pagkaka-utang sa buwis ng pamilya ng kanyang kapwa kandidato na si dating Senator Bongbong Marcos Jr.

Nais ni Domagoso na malaman kung nagka-usap na ang PCGG at Bureau of Internal Revenue ukol sa sinasabing utang sa buwis ng pamilya-Marcos.

Ang naturang sulat ay dinala kay PCGG Chairman John Agbayani ni Aksyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel.

Binanggit ni Ramel ang naging pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, abogado at tagapagsalita ni Marcos, na may kasunduan na ang PCGG at BIR na kailangan na maplantsa na ang sinasabing pagkakautang.

“As a taxpayer and a citizen of the Republic, I now ask you, the PCGG chairman if there is an iota of truth to the statement of Atty. Rodriguez,” ani Ramel.

Dagdag pa niya; “The question is very simple, answerable by ‘Yes’ or ‘No.’ Did the PCGG and BIR have an agreement regarding the P203-Billion Marcos debt to the Filipino people?”

Una na rin sumulat si Ramel sa BIR at hiniling na masingil ang pamilya-Marcos sa kanilang mga pagkakautang sa buwis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.