Loren Legarda: Ibigay na ang fuel subsidy sa mga public transport drivers

By Jan Escosio March 10, 2022 - 10:18 AM

Sa nakaambang panibagong ‘bigtime oil price hike’ sa susunod na linggo, pinamamadali na ni senatorial aspirant Loren Legarda ang pamamahagi ng subsidiya sa mga mga public transport drivers.

 

Aniya hindi na kakayanin ng mga transport workers kung aabutin pa ng susunod na buwan ang distribusyon ng ayuda bunsod na rin ng napakataas ng halaga ng mga produktong-petrolyo.

 

Binanggit din ni Legarda ang hiling ng jeepney drivers sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa P1 pansamantalang taas-pasahe habang dinidinig ang petisyon para sa P5 dagdag sa minimum fare.

 

“Public transport operators and drivers have barely recovered from the series of lockdowns to contain COVID-19 and yet, they have to contend with the astronomical rise in gas prices. The government should step in,” diin ni Legarda.

 

Ibinahagi pa nito na sa kanyang pag-iikot, madalas sabihin sa kanya ng mga jeepney driver na titigil na lamang sila sa pagpasada dahil lumalaki ang utang nila sa kanilang mga operator.

 

Sa bahagi naman aniya ng mga pasahero, hirap na sila na makasakay dahil kulang ang bumibiyaheng mga sasakyan, nahaharap pa sila sa pagtaas ng pasahe.

 

Ipinangako nito na kapag nakabalik siya sa Senado agad niyang tutulungan ang mga public transport drivers at minimum wage earners para makaagapay ang mga ito sa mga kasalukuyang sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.