Mindanao, uunlad sa pagbuti at mababang halaga ng kuryente – Sen. Poe

By Jan Escosio March 09, 2022 - 07:45 PM

Naniniwala si Senator Grace Poe na kung bubuti pa ang serbisyo ng kuryente sa mga liblib na lugar sa Mindanao, bubuti ang pamumuhunan at negosyo sa naturang rehiyon.

 

Sinabi ito ni Poe sa pagtalakay ng pinamumunuan niyang Committee on Public Services ukol sa panukala mula sa Kamara na palawakin ang franchise area ng distribusyon ng kuryente ng Davao Light and Power Co.

 

“For the past five years, the demand for power in the entire Mindanao island is peaking, which can be attributed to its growing economy. However, the power supply remains at a level that cannot keep up with the massive infrastructure and industry developments across the region,” sabi ni Poe.

Dagdag pa niya ang madalas na pagkawala at mataas na halaga ng kuryente ang iniiwasan ng mga negosyante.

 

Sa Davao Region, dagdag pa ni Poe, ang kakulangan ng suplay ng kuryente ay nangangahulugan din ng hindi sapat na suplay ng tubig.

 

Sinuportahan naman ng mga lokal na opisyal sa rehiyon ang hiling na mapalawak ang franchise area ng DLPC.

 

Kontra naman sa panukala ang Northern Davao Electric Cooperative Inc, sa katuwiran na dapat ay tapusin muna ang bisa ng kasalukuyang prangkisa bago ito palawakin.

 

Katuwiran naman ni Poe hindi pinipigilan ng batas ang Kongreso na bigyan ng mga prangkisa ang ibang distribution utility at aniya ang nais lamang niya ay mapagbuti ang serbisyo ng kuryente sa Davao Region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.