WATCH: Pangulong Duterte, nagbabalot-balot na sa Malakanyang
Unti-unti nang nagbabalot ng gamit sa Palasyo ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go at long-time na close aide ng Pangulo, naghahanda nang umuwi sa Davao City ang Pangulo.
Tatlong buwan na lamang na manunungkulan ang Pangulo bago matapos ang kanyang termino o ang anim na taong panunungkulan.
Hindi rin naiwasan ni Go na maglabas ng sentemyento.
Noong 2016 kasi aniya nang manalo ang Pangulo, biglang bumuhos ang suporta ng mga kaibigan.
Marami aniya ang tumulong nang maglipat sila sa Malakanyang.
Pero ngayong patapos na ang termino, mangilan-ngilan na lamang aniya ang nanatiling tapat sa pangulo
Pero paglilinaw ni Go, may mga miyembro pa rin ng Gabinete ang hindi nang iwan sa Pangulo.
Hindi rin naman aniya naging sentimental ang Pangulo habang nagbabalot ng gamit
Sa ngayon, sinabi ni Go na wala pang napipisil ang Pangulo na iendorsong susunod na lider ng bansa.
Pinag-aaralan pa aniya ng Pangulo ang kwalipikasyon ng mga kandidato na maaring pumalit sa kanyang puwesto.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Go:
WATCH: Senator Bong Go: President Duterte nag-iimpake na ng mga gamit sa Malakanyang. @radyoinqonline pic.twitter.com/G81Tue2omM
— chonayuINQ (@chonayu1) March 9, 2022
Una rito, sinabi nina presidential candidates Ferdinand Bongbong Marcos Jr, Manny Pacquiao at Isko Moreno na umaasa silang makukuha ang pag endlorso ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.