Publiko, pinaalalahanan sa pagsunod sa health protocols kasunod ng babala sa posibleng COVID-19 surge

By Angellic Jordan March 09, 2022 - 03:33 PM

AFP photo

Kasabay ng pagbaba sa Alert Level 1 ng maraming lugar sa bansa, pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko ukol sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS).

Kasunod ito ng babala ng OCTA Research sa posibleng pagkakaroon ng COVID-19 surge kung babalewalain ang health protocols.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi pa tapos ang pandemya.

Hindi aniya sapat na dahilan ang pag-iral ng Alert Level 1 simula March 1 hanggang 15, 2022 para kalimutan ang pagsunod sa health protocols.

“We must protect each other by following the health protocols in place to ensure that surges will not happen,” saad ng kalihim.

Dagdag nito, “Let us not get carried away by the easing of COVID-19 restrictions to Alert Level 1. If we want to stay under Alert Level 1, ipagpatuloy natin ang pagsunod sa MPHS because this is how we contribute to further decrease coronavirus infections in our country.”

Iginiit ni Año na hindi dapat maging kampante ang publiko sa mas maluwag na restriction level.

“The easing to Alert Level 1 is to help the economy but we must wear face mask, sumunod tayo sa MPHS. Kapag mag-aattend tayo ng campaign rallies dapat vaccinated and sundin natin ang mga health protocol,” ani Año.

Giit pa nito, “Hindi naman po mahirap ang mga ito. Sa atin pong mga kababayan, sana po ay ugaliin nating isagawa ang mga MPHS na ito para sa kaligtasan natin at ng ating pamilya.”

Kritikal na salik aniya ang pagsunod ng publiko sa health protocols upang mapababa ang hawaan sa COVID-19 sa bansa

Diin pa ni Año, disiplina sa bawat isa ang susi para hindi mangyari sa Pilipinas ang nararanasang COVID-19 surge sa Hong Kong.

Hinikayat din ng kalihim ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking nasusunod ang health protocols sa kani-kanilang nasasakupang.

“We call on our LGUs to still be on top of the implementation of MPHS even in the barangays. Huwag po nating hayaang masanay ang ating mga kababayan na hindi sumusunod sa ating mga health protocol kahit na malaking bilang na ng ating populasyon ang bakunado,” pahayag ni Año.

TAGS: COVIDsurge, DILG, eduardo año, healthprotocols, InquirerNews, OCTAResearch, RadyoInquirerNews, COVIDsurge, DILG, eduardo año, healthprotocols, InquirerNews, OCTAResearch, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.