21 seafarers mula sa Ukraine, nakauwi na ng bansa
Sinalubong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ang pagdating ng 21 seafarers mula sa MV S-Breeze, Martes ng umaga.
Kasunod ito ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ang naturang batch ang unang grupo ng seafarers na na-repatriate mula sa Ukraine.
Dahil dito, nasa 63 na ang bilang ng mga na-repatriate mula sa Ukraine, habang 136 naman ang nailikas.
Inaasahan din ang pagdating sa Maynila ng panibagong grupo ng pitong seafarers mula sa MV Joseph Schulte, habang bibiyahe na rin pa-Maynila ang seafarers ng MV Star Helena, MV Global Aglaia, MV Key Knight at MV Pavlina mula sa Bucharest, Romania.
“The Department expects more arrivals in the coming days as it steps up its efforts to bring home our kababayan from Ukraine,” pahayag ni OUMWA Undersecretary Sarah Lou Arriola.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng Philippine Embassy sa Budapest at Philippine Honorary Consulate sa Moldova para sa pagkakasa ng repatriation ng seafarers at overseas Filipinos mula sa Katimugang bahagi ng Ukraine na nakapasok sa Moldova.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.