Cancer Treatment Center, ipatatayo sa Sorsogon

By Angellic Jordan March 08, 2022 - 04:26 PM

Photo credit: Sorsogon Provincial Information Office/Facebook

Magtatayo ng Cancer Treatment Center sa loob ng Sorsogon Provincial Hospital.

Sa pangunguna ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, isinagawa ang groundbreaking ceremony nito, kasama ang mga opisyal ng Department of Health – Bicol.

Sinabi ng gobernador na matagal na niyang pangarap na makapagtayo ng nasabing pasilidad para hindi na bumiyahe ang mga residente ng Sorsogon sa malalayong lugar upang magpagamot sa sakit na cancer.

Maglalagay sa nasabing pasilidad ng makabagong Linear Accelerator (LINAC) para sa beam radiation treatment. Magiging kauna-unahan ang naturang kagamitan sa Pilipinas.

Lubos ang pasasalamat ni acting Provincial Health Officer Dr. Renato Bolo Jr. kay Escudero para sa pagtutupad ng kanilang pangarap na pasilidad.

Nagpasalamat naman ang gobernador sa DOH para sa inilaang tulong na pondo ng para sa pagpapatayo ng gusali.

TAGS: cancer, CancerTreatmentCenter, ChizEscudero, InquirerNews, RadyoInquirerNews, cancer, CancerTreatmentCenter, ChizEscudero, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.