Isa pang pamilya Pinoy mula sa Ukraine, nakauwi na ng bansa

By Angellic Jordan March 08, 2022 - 02:37 PM

DFA photo

Nakauwi na ng Pilipinas ang mag-inang Filipino na nagmula sa Ukraine, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasunod pa rin ito ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sinabi ng kagawaran na mula sa Bucharest, Romania, nakarating ang flight ng mag-ina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong March 7, 2022.

Kabilang ang mag-ina sa mga unang Filipino na tumawid sa Ukrainian border patungo sa Moldova.

Inasistihan ang mag-ina ni Philippine Honorary Consul Victor Gaina sa Moldova at tinanggap ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Budapest, sa pamumuno ni Ambassador Frank Cimafranca, sa Bucharest, bago ang kanilang repatriation flight sa Maynila.

DFA photo

TAGS: DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, repatriation, Russia, Ukraine, DFA, InquirerNews, RadyoInquirerNews, repatriation, Russia, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.