Mga pulis na positibo pa sa COVID-19, nasa siyam na lang

By Angellic Jordan March 08, 2022 - 01:44 PM

Patuloy ang pagbaba ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (March 8), isang pulis lamang ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,825 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Ngunit sa nasabing bilang, siyam na lamang ang aktibo pang kaso.

Samantala, apat na pulis naman ang gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,688 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, Inquirer News, latest news on COVID-19, PNP COVID-19 cases, PNP COVID-19 deaths, PNP COVID-19 monitoring, PNP COVID-19 recoveries, PNP personnel affected by COVID-19, policemen affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, Inquirer News, latest news on COVID-19, PNP COVID-19 cases, PNP COVID-19 deaths, PNP COVID-19 monitoring, PNP COVID-19 recoveries, PNP personnel affected by COVID-19, policemen affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.