Mga pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa 6.02 milyon
Lagpas 6.02 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,027,357 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 985,914.
Sumunod na rito ang Brazil na may 652,418 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 515,241 naman ang death toll sa India habang 356,949 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 319,901
– Peru – 211,108
– United Kingdom – 162,147
– Italy – 156,017
– Indonesia – 150,430
– France – 139,451
– Colombia – 139,120
– Iran – 138,116
– Argentina – 126,842
– Germany – 124,716
– Poland – 112,551
– Ukraine – 106,679
– Spain – 100,574
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 448,175,126 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 382,342,746 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.