31 pamilyang nasunugan sa Quezon City, inayudahan ni Belmonte

By Chona Yu March 08, 2022 - 10:50 AM

(Photo courtesy: Quezon City government)

Aabot sa 31 pamilyang nasunugan sa Brgy. Tatalon, Quezon City ang inayudahan ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakataggap ng tig P10,000 ang bawat house owner na nasunugan.

Tig P5,000 naman ang natanggap ng mga pamilyang nangungupahan lamang.

Ayon kay Belmonte, bukod sa pinansyal na ayuda, binighyan din ang mga nasunugan ng hygine kits, starter kits at mga food packs.

Ayon kay Belmonte, sinisikap ng lokal na pamahalaan na maayudahan ang mga nasunugan para agad na makabangon sa trahedya at agad na makabalik sa normal na pamumuhay.

Matatandaang tinupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Tatalon kamakalawa kung saan umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

 

TAGS: Brgy. Tatalon, Mayor Joy Belmonte, news, Radyo Inquirer, sunog, Brgy. Tatalon, Mayor Joy Belmonte, news, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.