DILG chief: Papalit kay PNP Chief Carlos bahala na si Presidente

By Jan Escosio March 07, 2022 - 10:39 PM

Tanging si Pangulong Duterte lamang ang maaring pumili sa susunod na hepe ng pambansang pulisya.

 

Ito ang sinabi ni Interior Sec.Eduardo Año kasunod na rin ng napipintong pagreretiro ni PNP Chief Dionard Carlos sa bisperas ng eleksyon sa Mayo 9.

 

Dagdag pa ni Año masyado pa rin maaga para pag-usapan ang pagreretiro ni Carlos at aniya wala pa rin naman naikukunsidera na papalit sa huli.

Samantala, itinalaga ni Carlos si Lt. Gen. Rhodel Sermonia bilang bagong PNP deputy chief for Administration, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.

 

Pinalitan niya si Lt. Gen. Israel Dickson na nakatakdang magretiro sa darating na Marso 27 at itinalaga na lamang sa Office of the Chief, PNP.

 

Umangat naman bilang PNP deputy chief for Operations si Lt. Gen. Ferdinand Divina at bagong namumuno sa Joint Task Force COVID 19 Shield.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.