Tatlong grupo ng mga Filipino mula sa Ukraine, nakauwi na ng Pilipinas
Dumating na sa Pilipinas ang tatlong grupo ng mga Filipino evacuees mula sa Ukraine, araw ng Linggo (March 6).
Kasunod ito ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagmula ang mga Filipino sa Kyiv at iba pang lugar sa western part ng Ukraine.
Nakalapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Qatar Airlines flight na sakay ang apat na Filipino adults, tatlong Filipino-Ukrainian na bata kasama ang kanilang tatlong Ukrainian na ina, Linggo ng hapon.
Dumating naman ang ikalawang grupo, kung saan kabilang ang dalawang Filipino adults, isang Filipino-Ukranian na bata at kaniyang Ukrainian na ina noong Linggo ng gabi.
Sa pamamagitan naman ng sariling arrangement, nakabiyahe ang tatlo pang Filipino mula sa Kyiv pauwi ng Pilipinas.
Inasistihan ng Philippine Honorary Consulate General Sa Kyiv ang mga bakwit na bumiyahe mula sa Kyiv patungo sa western Ukrainian city ng Lviv.
Nagbigay naman ang Philippine Embassy sa Warsaw ng tulong para sa transportasyon, accommodation at pagkain sa Warsaw.
Inayos din ng embahada ang kanilang travel documents at visas, COVID-19 RT-PCR tests, at flight pauwi ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.